5 Reasons Why Diggie is Not a Joke


"Huwag na Diggie! Wala na, talo na. Bawas stars na naman."

I've been using Diggie as my main hero now in MLBB at iyon ang madalas kong naririnig na complaints. Sure, Diggie may look cartoonish, pambata, hindi nakakatakotbut guess what, madalas akong nakaka-MVP sa hero na ito. Hindi lang talaga marunong mag-appreciate ang karamihan. Ang tingin nila, fighter, marksman, at mage lang ang laging dapat piliin. Well, I think it's time to fight that stigma and let the support heroes shine, especially this underrated character.

Diggie is that one support hero that can manage on his own. Solo top ako lagi (early game) kapag gamit ko ito at may tyansa pa ngang nakaka-first blood ako kapag nataong malambot na hero ang nakatapat ko. I mostly finish the game with more than twenty assists. And believe it or not, naka-Legendary pa ako gamit nito! Savage na lang ang kulang (which is impossible, pero umaasa pa rin ako, charot!)


Below are my five reasons why you should not take Diggie as a joke:


1. His alarm bombs provide vision. Planted on the right spot, sa mga damuhan kung saan pwedeng magtago ang ilang mga assassin na hero, pwede ka na agad maalerto para maiwasang ma-hunting ka agad early game. As a support, trabaho mo rin siyempreng mag-provide ng vision sa iyong mga kakampi. You can do this by planting bombs doon sa bush malapit sa Turtle o sa Lord to alert your teammates and decide whether need niyo bang mag-ambush o hindi.



2. Diggie is the best support (for me). He adds leverage to easily kill or make sure na ma-kill ng teammates mo 'yung kalaban, thanks to his second skill, Reverse Time. Flicker + 2nd skill lang niya, paniguradong walang takas na ang kalaban. At kung hindi man sapat, tanim ka lang ng bomba sa posibleng daanan ng kalaban mo, maaagaw mo pa 'yung kill.

3. He cancels out most CC-dependent heroes. Madalas na naba-badtrip sa akin sina Guinevere at Tigreal dahil need nila ang cc skills nila para makapatay o makapag-set. But with right timing (at syempre, kailangang lagi kang present sa mga eksena) walang kwenta ang mga skills nila.

4. Diggie is an angel in disguise. His ult skill not only cancels out cc skills. Nagpo-provide din ito ng shield para mas tumagal pa ang mga adc ninyo sa mga clash. Nanganganib ang Miya ninyo sa Ult ni Harley? Mag-shield ka. Matatamaan ng Ult ni Layla ang crit na Leomord ninyo, mag-shield ka rin. Just make sure na bilhin mo 'yung Fleeting Time na item, dahil binabawasan nito 'yung cooldown ng Ult mo everytime na nakaka-assist ka. Remember, you are a support, so you need to make your skills available as much as possible.

5. His passive skill is not useless. "Really, Mark? E nagiging itlog lang naman siya at wala masyadong damage!" Well, friend, you're technically right. But you're wrong, it still has its many usage. Madalas akong mangburaot kapag nasa egg form ako. Ang lagi kong tinatarget ay 'yung crit na ang buhay. Why? As an evil person, trip kong mag-cancel ng kanilang pag-recalldahil kahit papa'no ay nakaka-damage din naman siya kaunti (puro 5 continuous pure dmg). Sapat na ito para maka-cancel ng regen, recall, at higit sa lahat: maka-assist. Yes. That should be your goal. Lalo na kung may roaming item ka? Mag-focus ka sa team fights. Get a lot of assists para dumami ang gold mo at makabili ka kaagad ng magagandang item, dahil bilang support you should be doing a lot of effort in bringing up the best in you, para makatagal ka pa sa laban, at para maka-assist ka sa mga kills, at nang sa gayon ay makatulong ka sa inyong pagkapanalo because that's your job.


Additional Tips on Using Diggie:

  • Prioritize movement speed
    • Ang buying pattern ko early game ay ito: Boots, Magic necklace, Rapid boots, Enchanted Talisman (for the 20% cd reduction), saka roaming item. Ewan ko sa iba, but this one certainly works for me. Need mo ng mabilis na movement speed para mabilis na makatakas kapag tinatarget ka at para mabilis na makapag-change lanes. Since support ka, need mong makapunta agad sa mga kakampi mo kapag may clash na nagaganap.
  • Invest on leveling your support emblem
    • Mas mabuti kung mapa-level 40 mo agad 'yung support emblem mo. Importante kasi 'yung hatid na battle spell cooldown reduction na 15%. Ang flicker kasi 120 seconds ang cooldown. At walang equipment na nakakapag-reduce ng cooldown ng battle spell, kaya itong Pull Yourself Together na level 40 passive ng support emblem ay napaka-beneficial para sa akin.
  • Tulungan mong mag-farm 'yung ka-lane mo (pero huwag mong agawin 'yung kill, utang na loob)
  • Umiwas ka sa mga assassin. Lalo na roon sa bwisit na Fanny at Selena. Madali kang mamatay sa mga iyon.
  • Bantayan mo ang resurrection time mo. Kapag malapit ka nang mabuhay, back na. May delay kasi ang pagkabuhay mo at maaari kang mamatay kapag nasa kampo ka pa ng kalaban.
  • Plant your bombs on bushes.
  • Mag-2nd skill ka lang kapag alam mong patakas na ang kalaban.
  • Importante ring pinapaalam mo sa kakampi mo kung ready na ba ang skills mo o hindi.
    • May quick message sa gilid, pindutin mo lang 'yung: "Skills in Cooldown"
    • Importante ito kasi may mga hinayupak kang kakampi na akala laging available mga skills mo. So much better to let them know if your skills are ready. In that case, makakapag-decide sila kung aatake ba sila o hindi.

I hope with this post, you're now informed how Diggie could be a great help in a team. If you're still not satisfied, here's a screenshot of my Legendary Diggie:


So do your job. Kapag may nag-Diggie sa Rank Game, don't show your ignorance by saying, "Huwag Diggie!" Huwag mo silang pangunahan! Huwag mong ipakita pagiging close-minded mo. Pasalamat ka pa nga may nag-Diggie eh. Kumontra ka lang kapag may support hero na sa team ninyo. Ayun! Nyeta ka.

Comments

Popular posts from this blog

Building Moments Inside Your Classroom

Bug Fixing Is Actually Fun!

Why You Should Marinate Your Manuscript