Building Moments Inside Your Classroom
Even though I resigned as a teacher months ago, hindi ko pa rin maitatangging nami-miss kong magturo. ‘Yung turo lang ha? Hindi kasama ‘yung other things na nakakabit sa work na ito, *cough* paperworks, *cough* lab manuals. There were moments na bigla ko na lang maiisip na, “Ay, ito, magandang pa-activity ito sa mga students ko next time,” when I know I shouldn’t even stress myself about it dahil iba na rin naman ang sakop ng new work ko. Madalas ay nanghihinayang ako kung bakit hindi ko nagawa ang ilan sa mga iyon. Kaya kung teacher ka at nagkataong naghahanap ka rin ng way para gawing masigla ang inyong klase, I may have some valuable information for you. Admit it, boring ang pure lecture lang. No one wants to hear a teacher drone on and on about a subject topic. Well sure, I can’t blame you for doing that dahil papa’no mo nga naman maipapasa ang information sa klase kung hindi ka magsasalita sa harap? But please naman, do it in a fun way! Let your students be enga...